Minsan, ng ako ay nagbabasa ng mga e-mail mula sa ating mga kababayan, pumukaw sa akin ang liham ni Marites Bulaon na humihiling na gawin natin ang Pastillas. Mula sa orihinal na pastillas de leche, marami nang klase tayong matitikman o mabibili sa tindahan. Nariyan na ang durian, langka, mangga, kape, keso, tsokolate at marami pang iba, binilot sa ibat-ibang kulay na papel de hapon o plastik. Ang pangunahing sangkap na...