Tuesday, 28 May 2013

SPICY SWEET DILIS

Simulan natin sa " noong bata pa si Sabel ". Ito ay mabibili sa mga tindahan sa looban, labasan, tabing kalsada, kanto o sa tabing poso, mga katagang tawag sa mga kinalakihang lugar. May mga bata na naglalaro ng holen, tantsing, kara krus at sa gilid ng pondahan ay may pandalawahang upuan na magkaharap sa isang maliit na mesa. Kung saan may isang lalaki na patuloy na nagkukuwento ng mga walang kwentang paulit ulit na kasaysayan, habang ang mga...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan12:29

Sunday, 19 May 2013

GINISANG HIPON SA BURONG MUSTASA

Kasalukuyang tag nieve at malakas ang patak ng yelo, ng sumulat sa atin si Ginang Lizette Batongbacal, humihiling siya na ating ipakita ang pamamaraan sa pag-gawa ng Burong Mustasa. Nais nating gawin ito sa tradisyunal na pamamaraan, kung kayat naghintay pa tayo ng tamang init. Umaabot na sa labing walong antas sentigrado ang temperatura, kahit medyo may kalamigan pa ang simoy ng tagsibol. May kainitan na rin naman, at maa-ari ng makatiyo ng...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan19:31

Tuesday, 14 May 2013

BINAGOL

Isang kaibigan ang lumapit sa atin, at humihiling na gumawa tayo ng isang kakanin. Isang minindal na kilala sa kanilang bayan , sa paliwanag pa lamang ay para ng napakasarap nito. Nagsaliksik tayo ng karagdagang kaalaman , nariyan na ang alamin muna ang kahulugan at kung saan ito nagmula, ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto. Sa pagsasaliksik, nalaman namin na ito ay kahalintulad ng isang kalamay na pinasingawan sa bao ng niyog. Ito ay...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan12:12

Thursday, 9 May 2013

CASSAVA CAKE

Kung minsan, parang nasasabik masayaran ng matamis na kakanin ang ating bibig. Kahit abot langit na ang taas ng antas ng ating kolesterol, may pansarili pa ring katwiran na umiiral sa atin. Okey lang yan, paminsan-minsan lang naman. Kapirasong hiwa lang ang aking kakainin at sasabayan na lang ng ehersisyo. Alin ba ang nasunod? wala, dahil sa sarap, hindi na nakontrol ang sarili at sinabayan pa ng upo sa kompyuter habang hinihimas ang tiyan. Ang...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan07:25

Sunday, 5 May 2013

ASADONG BANGOS

Bangos ang pinaka-kilalang isda , kung kaya't ito ang pambansang isda ng Pilipinas. Bago pa sumikat ang bayan ni Paquiao sa bangos, nakilala na ang mga bangos Kabite, bangos Bulakan at bangos Pangasinan. Maraming uri ng pakain ang ginagamit sa pagpapalaki ng bangos, nariyan ang process feed at ang organic kung saan lumot at lumang tinapay lamang ang gamit. Sabalo, ay isang uri ng bangos na nahuhuli sa dagat ito ang tinatawag na wild milkfish....

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan10:14

Wednesday, 1 May 2013

GINATAANG MAIS

Hindi pa panahon ng mais, ngunit may namataan kaming mais sa walmart. maa-aring imported ito o itinanim sa bukid na binubungan, dahil katatapos lamang ng taglamig. Bumili kami ng isang plastik na may tatlong piraso, kumuha na rin kami ng gata, dahil naisipan naming gumawa ng ginataang mais. Ang pagluluto ng ginataang mais ay kahalintulad din ng pag-gawa ng ginataang totong o munggo. Isang simple at masarap na meryenda at kung kakayanin ng tiyan...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan09:51