Saturday, 21 December 2013

PINOY PINEAPPLE HAM

Hamon ( pangalan ) [Hämōn ] Mula sa salitang banyaga na "Ham" at hinunlapian ng katagang "on", upang makabuo ng salitang "Hamon". Ito ay tinabas sa hitang bahagi ng baboy, at pangkaraniwang pinauusukan. Isang pamamaraan ng pag-iimbak ng karne, kung saan ito ay hinihilamusan ng tinimplahang sangkap, tutusukan ng clavo de comer at ii-imbak ng halos isang buwan bago ihanda. Sa mga Pinoy ito ay isang espesyal na putahe, simbulo ng kapaskuhan...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan10:56

Monday, 9 December 2013

BIBINGKA ROYAL

BIBINGKA ROYAL ( pangalan) [bee-bing-kah] Isang kakaning Pinoy na ginawa mula sa galapong. Niluto sa isang espesyal na luad, na nilatagan ng dahon ng saging, Inihu-hurno na may nagbabagang uling sa ibabaw at ilalim, pinai-ibabawan Ito ng hiniwang keso at itlog na maalat. Pinapahiran naman ng mantikilya, binubudburan ng asukal at pinaululutong ang ibabaw bago hanguin sa lutuan. Inihahandog ng may kasamang ginadgad na sariwang niyog at mainit...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan17:26

Tuesday, 3 December 2013

KALAMAY

KALAMAY  (pangalan) [kä-lah mäy] Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagkatas ng gata mula sa kinayod na niyog, giniling na malagkit na bigas na kung tawagin ay galapong at asukal na pula. Panay na paghalo sa pagluluto ang ginagawa sa mahinang apoy, hanggang sa magpantay-pantay ang pagkunat. Sa pagluluto ng kalamay, laging nauuna ang gata. Hindi dahil gawa ito sa gata, Batanggas at Bikol na naman ang sikat. Bigyan naman natin...

Nilimbag Ng pinoy hapagkainan09:01