Binagoongan : Pangalan - Isang lutuing pilipino na sinangkapan o tinimplahan ng bagoong na alamang.
Kangkong - Kilala bilang isang pananim na gulay kung saan pangkaraniwang makikita at nabubuhay lamang sa tubigan o sapa. Maari din namang maitanim sa lupa tulad ng mga pangkaraniwang halaman, at ito ang tinatawag na kangkong intsik. Una kong nakita ang ganitong pamamaraan sa Marikina, kahilera ang mga halamang unsoy at kintsay. Nung hindi pa uso ang kompyuter, kilala ang kangkong bilang pangmahirap na ulam at pagkain ng mga bilanggo. Naala-ala ko tuloy ang pinagmulan ng pizza, may kahalintulad ang kanilang ugat. pagkain ng mahirap, ngunit ng matikman ng hari, ito ay ginawang pagkaing national. Balik uli tayo sa kangkong ; Noong unang panahon, ito ay makukuha ng libre sa mga sapa, ang kinakailangan lamang ay sibuyas, kamatis, bawang, suka at toyo mayroon ka ng adobong kangkong. Inihaw na hito at adobong kangkong ay mara-rausan na tanghalian o hapunan. Ngunit may mga kilala o prominenteng tao sa lipunan na nagpatotoo sa buhay nila, na sila ay nabuhay sa pagkaka-kangkong. Sa katunayan may isang mall na makikita ang rebulto ng may-ari na sukbong sa ulo ng bungkos na kangkong. Tulad ng pizza, sino kaya ang nagpasikat ng kangkong? Iyon bang nang-galing sa Munti, o yung mga konyo na malimit makita sa Kape Adriatiko gamit ang tinidor sa pagtusok ng kangkong con bagoong.
Ang bagoong ay nabililang sa katergorya ng panimpla sa pagkain. Karne, gulay o maging isda ay masarap na sangkap sa binagoongan. o pag walang- wala na, bagoong at pinasingawang talong o ampalaya ay katalo na. Masarap din ito sa manibalang na mangga o singkamas. May puno kami ng mansanas sa likod bakuran, kada Septyembre ay hitik ito sa bunga, halos yumuko na ang puno sa dami ng ibinubunga. Wala namang magkaintres dahil may kaasiman. ang bunga, mainam lamang ito sa paggawa ng suka o apple pie. Minsan nagdala ako sa trabaho at nilagyan ko ng bagoong ang hiniwang mansanas, pinanonood ako ng mga puti kong katrabaho sa pagkain. Nag-alok ako, kumuha ng isang hiwa na may bagoong ang puti kong kaibigan. Kung anong bilis ang pagkuha mas mabilis ang pagbabalik, "wat da pak" so istink !
Mas malinamnam ang lutuing may sangkap na baboy sa pag-gigisa, kung ito ay pagmamantikain muna sa kaunting tubig at sa mantikang ito igigisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Sa mga alergy sa baboy, maa-ari tayong gumamit ng isda o tokwa sa lutuing ito. Ang piniritong adobong tulingan ay isa sa pinakamasarap na sangkap bukod sa baboy, o maaring bagoongan lamang ang kangkong at isilbi na may kasamang piniritung isda. Kung alergy pa rin sa piniritung isda, binagoongang kangkong na lamang. Kung alergy pa rin sa bagoong, adobohin na lamang ito, at kung alergy pa rin sa adobo, huwag kana kayang kumain.
Tulad ng aking nabanggit, ang putahing ito ay nabibilang sa pangunahing ulam sa mga kilalang restaurant. Mas sosyal kse pag kumakain sa sikat restorant o hotel, at may kausap ka sa kabilang linya sa oras ng tanghalian. tinanong ka ng kausap mo, mare,,,, anong lunch mo ? proud na proud na sasabihin mong binagoongan kon karne. Subukan naman natin sa bahay sa oras ng tanghalian, tinanong ka ng amiga mo sa kabilang linya. Mare,,, anong lunch mo ? siguradong matitigilan ka, mag-iisip ka , ayaw mong mapahiya dahil ang ulam niya ay murkon. Buntonghininga sabay sigaw sa proud na proud na sagot, stewed prawn in water spinach. sa tingin nyo ano ang isasagot sa kabilang linya ? wow, wat a wanderpul meal, sa tingin ninyo alam nya kaya yung pinagsasabi niya sa kabilang linya.
At para sa tamang timpla, itutok lamang ang daliri sa larawan.
BINAGOONGANG KANGKONG |