Hapagkainan
(Dinning Table)
Ay isang muwebles o kagamitang pambahay na may pantay at pahalang na ibabaw, ito ay maa-aring gawa sa kahoy, salamin o kawayan. May apat o hindi bababa sa tatlong haligi. Tinatawag din itong kumedor, kung saan nasasama-sama at kumakain ang mga naninirahan .
Tungkol sa mga naninirahan :
Kami ay binubuo ng isang masayang pamilya na ang kinahihiligan ay ang pagluluto. Mula sa angkan na mahilig umistambay sa kusina. Lumaki sa aral ng mga magulang sa pagluluto gamit ang tradisyunal na pamamaraan, ang siyang tunay na kaalamang maipagmamalaki sa larangan ng pagluluto.
Tungkol sa aming tahanan :
Nagsimula sa katuwaang kunan ng bidyo kamera ang pagluluto ng chicken lolipop at inilagay sa you tube. marami rin naman ang sumilip at nagbigay ng positibo at negatibong komento. Nakakatuwa diba ? Nakapagbibigay ka ng kaalaman at kasiyahan sa mga tagasubaybay. Isa sa kapamilya na may kaalaman sa pagbuo ng kamunduhang paglalahad (networking) ang nagmungkahi na bumuo ng isang websayt at ipagpatuloy ang sinimulan. nagsimula sa isang libreng blogsayt upang maipakita sa mga tagasubaybay ang kumpletong recipe.
Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago sa pagpapalabas ng bidyo. Salamat sa mga kumento, nakakatulong ito sa pagpapa-unlad, iwasan lamang ang mga malalaswang pananalita. Pananatiliiin naming bukas ang pinto ng aming tahanan sa mga bisitang nais magbigay ng may pag-galang na kumento. Magbigay lamang ng kumento ng may kadahilanan, upang malaman namin ang kinakailangang baguhin. Hindi dahil sa impresyong ayaw mo, kahit hindi mo pa ito nasusubukan, sasabihin mo ng walang kuwenta. Sa mga katulad naming nais lamang ay mabigyan kayo ng kaalaman at kasiyahan, respeto ang aming hinihiling.
Tandaan ang mga kasabihang :
Pag malalim ang tubig sa ilog siguradong maraming laman at kung mababaw, ito ay burak o putik.
Sa halip na kumain sa labas o bumili ng lutong ulam, ang pagluluto sa tahanan ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal.
Hindi lahat ng nilalaman sa libro ng pagluluto ay naa-ayon sa iyong panlasa, ito ay isa lamang gabay.
0 comments:
Post a Comment