KALORIYA
Isa pang bagay na mahalagang malaman ng mga tagapagluto ay ang nauukol sa kaloriya o calories.
Ang kaloriya ang pinaka-gasolina ng katawan ng tao. Ang "init" na natatamo buhat sa mga pagkaing kinakain sa araw araw at siyang nagpapagalaw sa isang tao upang kumilos at gumawa ay sinusukat sa pamamagitan ng tinatawag na kaloriya.
Ang dami ng kaloriya na kailangan ng isang tao ay ibinabatay sa kanyang gulang, sa uri ng kanyang gawain, sa kanyang timbang, at sa kanyang kasarian.
Ang isang lalaking may karaniwang timbang (53 Kilo) at may magaan na gawaing tulad ng gawain sa isang tanggapan ay naganga-ilangan ng 2,100 kaloriya. Kung pangkaraniwan ang bigat ng kanyang gawain, 2600 kaloriya ang kailangan niya. At sa may mabigat na gawaing tulad ng mga magsasaka at manlalaro ay 3400 kaloriya ang kailangan.
Ang isang babaing may karaniwang timbang (4 kilo) at magaan ang gawain, tulad ng pnanahi, pagkukulot, at gawain sa bahay ay nangangailanganng 1900 kaloriya. Kung napakabigat ng kanyang gawain ay 3000 kaloriya ang dapat mapasakanya sa araw araw na pagkain.
Samantala, sa panahon ng pagdadalantao ng babae( buhat sa ikapitong buwan ng pagdadalantao hanggang sa makapagsilang) ay 2300 kaloriya ang kailangan niya. At sa panahon naman ng pagpapa-suso sa sanggol ( kung sa ina sumususo ang sanggol at hindi sa bote) ay 2800 Kaloriya ang kailangan.
Ang dami ng kalotiya na kailangan ng mga bata :
Kulang na 1 taong gulang 100 kaloriya sa bawat kilo ng kanyang timbang
1-3 taong gulang 1200 Kaloriya
4-6 taong gulang 1400 Kaloriya
7-9 taong gulang 1800 kaloriya
9-12 taong gulang 2300 kaloriya
13-15 taong gulang babae 2500 kaloriya
13-15 taong gulang lalaki 2800 kaloriya
16-20 taong gulang babae 2200 kaloriya
16-20 taong gulang lalaki 3,600 kaloriya
TALAAN NG MGA PAGKAIN ATANG DAMI NG KALORIYA | |
---|---|
DAMI O SUKAT NG PAGKAIN | BILANG NG KALORIYA |
1/2 tasa ng abokado na hiniwang pakudrado 1 Saging na may habang 6 na pulgada 1 Mais na may karaniwang laki 22 - 24 Ubas na may pangkaraniwang laki 2/3 Tasang pinya na hiniwang pakudrado 1 Kahel na may pangkaraniwang laki 1 Tasang hiniwa-hiwang papaya 1 milon na may hiwang 3/4" ang kapal at 6" ang haba 2 Onsang karne ng baka (may malambot na laman) 3 Onsang manok (karaniwang hiwang inihahain) 3 Onsang baboy (karaniwang hiwang inihahain) 12 Hipon na may pangkaraniwang laki 3 Onsang isda 1 Itlog may karaniwang laki, hilaw 2/3 paswelong repolyo 1/2 Pipino ng isang may pangkaraniwang laki 2 Hiwang talong nay may 3/8" ang kapal at 4" ang laki 1 Labanos na may 1" ang kabilugan 1/2 Tasang kalabasa pinasingawan 1 Kamatis na may karaniwang laki 1 Patatas na may karaniwang laki 1 Sibuyas na may karaniwang laki 1/2 Tasang kanin 1 Hiwang tinapay 1 Hiwang mantikilya na sapat ipalaman sa tinapay 1 hiwa ng keso na may 2" kapal o 2 kutsarang ginayat 3/4 Tasang tsokolate 1 Basong gatas 1/2 Tasang tsokolateng sorbetes 10 Butil na mani o 1 kutsarang durog 1 hamon na may 4" ang haba at lapad at 3/8 ang kapal | 166 Kaloriya 99 Kaloriya 102 Kaloriya 78 Kaloriya 58 Kaloriya 80 Kaloriya 70 kaloriya 93 Kaloriya 148 Kaloriya 94 Kaloriya 180 Kaloriya 40 Kaloriya 177 Kaloriya 75 kaloriya 30 kaloriya 7 Kaloriya 28 Kaloriya 2 Kaloriya 19 Kaloriya 23 Kaloriya 100 Kaloriya 30 Kaloriya 87 Kaloriya 65 kaloriya 73 Kaloriya 79 Kaloriya 120 Kaloriya 105 Kaloriya 250 kaloriya 54 Kaloriya 285 Kaloriya |
0 comments:
Post a Comment