Sinaklob : Pangalan - Sinaklaw o pinatungan upang itago o matakpan ang isang bagay.
Nagbalak ang grupo na mangawil o mamingwit sa darating na linggo, nagkasundo naman at napagusapan na kung saang lugar mangangawil. Sa paglalakwatsa kailangan ding planuhin ang mga dadalhin tulad ng pagkain, pero sa mga taong makakati ang paa at sanay sa galaan, hindi ito balakid, ang katwiran ay may Mc Donald sa dadaanan. Dito sa aming lugar, hindi kadalian ang mangawil, may mga alintutunin na sinusunod. May limitasyon ang dami at dapat nasa tamang sukat. Kinakailangang may kasamang pagmamahal ang paghuli ng isda, hindi pinupuwersa. Pag may kumagat sa pamingwit, kailangang itabi mo ito sa pampang ng walang puwersa, hindi puwedeng paluin ng matigas na bagay upang makasiguro.Kaya ang ibig sabihin, maghapon na sa ilog para makapag-uwi ng kahit isang isda. Siguro si-reyna ang may-akda ng batas na ito.
Hindi na siguro dapat itanong, kung ano ang nataan sa akin, obyus diba ? Kaya, kaya, mag-isip kung ano ang magandang baunin. May kalayuan din ang lugar, siguro isa hanggang dalawang oras ang biyahe sa Hope. Mula sa highway, may kalayuan din ang lakarin papuntang pampang. Doon kasi sa ilog Fraser sumusugba ang mga salmon. Para matagal sa gutom, karne, kanin at prutas ang dapat baunin. Maraming bitbitin kung mabubukod pa sa kanin ang ulam, doon pumasok sa isipan ko ang sinaklob. Ano ang masarap na ipalaman, adobo, kaldereta, menudo, o, mitsado na lang. Mahirap namang ganahan, dahil baka sa kabusugan matulog na lang at hindi na mamingwit.
Biyernes pa lamang ay binabad ko na ang malagkit, kaya ang palaman na lamang ang aking gagawin. Ano nga ba itong sinaklob? Sa tagalog, ito ay ang pinagpatong na panutsa. nakatikim na rin ako nito sa mga kainang intsik, yung tinatawag nilang dimsum. Ang pagkaka-iba lamang ay uri ng palaman, tunay na pinoy ang dating. Kahit mag-itsurang nilaga ang adobo o kaldereta, ito ay mas mainam, dahil sabaw ang ipanlalasa mo sa malagkit. Maari din ang gulay, tulad ng pinakbet at bulanglang. Ang isda tulad ng adobong galunggong o ginataang tulingan. Huwag lamang isasama ang tinik, alam nyo na kung bakit? Kaya karne ang pinili kong palaman, dahil huhulihin pa yung isda.
Mga natatanging tanong sa pamingwitan ;
* Hey man wat du yu gat? Ano ba ang nahuhuli sa bingwit..
* Is dis place taken? Nakita mong nariyan pa yan...
* Is der any salmon running? Ngayon ka lang makaririnig ng isdang tumatakbo...
At para sa tamang timpla, itutok lamang ang daliri sa larawan.
SINAKLOB |
0 comments:
Post a Comment