Pang-uri : Binubuo ng iba't ibang uri na may parehong bagay.
Isang pangunahing lutuing sopas sa timog katagalugang bahagi ng Pilipinas.
Naalala nyo pa ba sa mga nagdaang sulatin, kung saan natin inilathala ang pag-gawa ng Almondigas. Narito na ang naudlot na pagna-nais makatikim ng Kalandrakas. Ano nga ba ang mayroon sa kalandrakas ? Sa paglalayag namin sa web, upang mahalungkat ang mga bagay na may kaalaman sa kalandrakas ; Ito ay mayroong banyagang pangalan na Calandracas, na nagmula sa Europa, isang uri ng sopas na kung saan karne ang ginagamit. Sa bayan kung saan ako lumaki at kilala ito sa Chabakanong tawag na kalandrakas, Manok ang pangkaraniwang sangkap at espageti pasta na pinagputol-putol ng isang pulgada and haba.
Bakit ba kalandrakas ang itinawag sa lutuing ito, na kahit sa ang ibig sabihin nito sa librong kahulugan ay ; Binubuo ng iba't ibang uri na may parehong bagay. Malimit ko lang itong marinig sa mga matatanda , tuwing daraan sa harap ng pondahan si peles na karpintero. Peles, saan ba ang lakad at bitbit mo na naman ang mga kalandrakas mo, gayong wala namang dalang sopas si ka peles. Ito ay sinasabing pang-linguhang ulam ng mga Pilipino, isang panghapunang ulam na pinagsasaluhan ng isang pamilya. Maa-aring tama sa isang banda, dahil ang aming kapitbahay ay laging sopas ang ulam sa hapon ng linggo, lalo na kung laging talo sa sabong o tupada. Talo sa bulsa, panalo sa bituka.
Dahil sa medyo kahirapan ng buhay ngayon, maa-aring bumili na lamang tayo ng tandang o paitlugang manok. May katandaan, ngunit mura lamang ang halaga. Pakukuluan lamang ito na may tinimplahang asin, pamintang buo, sibuyas at kintsay. Kung nais ng mas malinamnam na lasa ng sabaw, maglagay ng bulyon. Kung ikukumpara ito sa talunang manok; Parehas na matigas ang laman, mas mahal lamang ang pang-sabong. Dahil sa laki ng pusta, lalo na kung lyamado pa.
Masarap mag-sopas lalo na kung malamig ang panahon, maging sa tag-init masarap ding humigop ng mainit na sopas. tatak-takan mo ng maraming paminta, sabay higop habang tumatagaktak ang pawis. Sabi ng mga henyo, ang sopas ay pagkaing mahirap kung ito ay iuulam, ang sopas ay isang pasimula lamang sa isang marangal na piging. Kahit pa anong sabihin, mas masarap kung ito ay uulamin na may kasamang piniritong dalagang bukid, o almusal sa umaga na may mainit na pandesal. Ito ay isang mainam na karadagan sa pang araw-araw na lutuin. Kung mag-luluto ng adobo, ibukod lamang ang mabutong bahagi ng manok at ito ang isangkap sa sopas. May adobo kana, may instant sopas pa. Big-taym, rich pipol na ang dating.
At para sa tamang timpla, itutok lamang ang daliri sa larawan.
KALANDRAKAS |
0 comments:
Post a Comment