KARE KARE (pangalan) [kä-reh kä-reh] Ito ay ginawa mula sa sabaw ng nilagang buntot ng baka, pata ng baboy, mukha ng baka, karne ng baka, at paminsan-minsang sinasamahan ng tuwalya. Mga gulay na isinasahog ay ang talong, petsay, sitaw, puso ng saging o iba pang mga gulay. Pinalapot ang sabaw sa sinangag na mani at bigas o peanut butter.
Maaaring bumungad agad sa ating pansin ang isang mangkok, na may hiniwang buntot at gulay na lumalangoy sa makapal na madilaw-dilaw-na salsa. Ang ginisang bagoong na nasa maliit na platito, na syang nagpapasarap at nagpapatingkad sa lasa ng kare kare. Sino ba ang hindi mawiwili; bukod sa panglingguhan ulam, ito ay inihahanda lamang sa mga espesyal na okasyon. Kung kaya't ang pananabik siguro na makatikim, ang siyang tunay na dahilan. Subukan mong ihanda ito araw-araw, ewan ko lang kung hindi ka ma-uya at baka tuyo at sinangag naman ang iyong hanapin.
Tulad ng maraming bagay o lutuing Pinoy, may ilang mga kuwento tulad ng sa pinagmulan ng mga ito. Walang katiyakan, dahil ito ay salin-saling kuwento lamang mula sa unang panahon. Ang una ay; nagmula ito sa bayan ng sentro sa pagluluto, ang Pampanga. Ang pangalawa ay; ito ay inihahanda sa marangyang piging ng mga Moro na nanirahan sa Manila bago pa man dumating ang mga Espanyol. Alin kaya ang malapit sa katotohanan ? Pampangga; maa-aring totoo, dahil sila ang kilala sa larangan ng pagluluto. Moro; malapit sa katotohanan, dahil karaniwan sa kanilang salita ay inu-ulit. Tawi Tawi, Lapu Lapu at moro moro. Kare Kare, posible ba?
Ano ba sa ingles ng peanut butter ? Mantikilyang mani ? Hindi naman puwedeng sabihin na walang tamang pangalan sa tagalog ang palamang ito, gayong nabibili at ginagawa naman ito sa Pilipinas. Bakit naman kasi pinangalanan ng mga Amerikano ito ng butter, puwede namang spread na lang. Ang almond ay almond spread, at ang matamis na bao ay coconut spread, ang gulo. Wala namang halong mantikilya ang pag-gawa nito, minsan kung iisipin hindi sila marunong mag-ingles, talo pa ng Pinoy.
Balik uli tayo sa "maala-ala mo kaya" o " Nung bata pa si sabel", naala-ala ko kasi yung pagluluto ng aking inay ng kare kare, Mukha ng baka ang ginagamit. Kahalintulad kasi ito ng litid, maganit na malabot pag iyong nginunguya. Pag maagang lumuwas sa pamamalengke si inay, siguradong hahabol ito sa mga matadero. Hindi madaling nakaka-kuha ng mukha, at kapag hindi umabot, buntot at tuwalya ang kapalit. Pinulbos na sinangag naman na mani at bigas ang ginawang pampalapot, at atsuete ang pampakulay. Sabi ng iba, sila ang magaling na magluto ng kare kare. Hindi ako naniniwala, ok pa kung sasabihin nilang sila ang pinakamagaling gumawa ng bagoong. Siguradong masarap ang kare kare nila, subukan mong kainin ang kare kare ng walang bagoong, ewan ko lang kung hindi ka magreklamo. Tama ba ako bay ?
At para sa tamang timpla, itutok lamang ang daliri sa larawan.
KARE KARE |
0 comments:
Post a Comment